I’m talking about the lower years. Based on observation lang. Lalo na kina Anton. =)) Kahapon kasi 7pm na siya umuwi. Not that uber sama yung ginawa niya. Pero ang dahilan niya, last day na raw kasi. Eh bakit kami nga hug at kiss lang tapos uwi na? =))) Buti nga sila magkikita-kita pa in a few months. Tapos araw-araw pa. Eh kami? Tuwing may special occasions nalang siguro.
I came to a realization na kaya mas malungkot sila kasi alam nila na kahit magkikita pa sila sa next school year, magbabago at magbabago ang relationship nila sa isa’t-isa. Syempre may mga magkakaibigan na mahihiwalay, and may end up na hindi na ulit magpansinan. Yun siguro yung nakakalungkot. Kasi makikita mo na magbabago yung mga dating friends mo.
So what am I pointing out? Let’s just say na, personally, maswerte ako sa group of friends ko. Kasi karamihan sa kanila, freshman palang ako, bestfriends ko na. Or kung hindi man, kilala ko na noon pa. Kumbaga, maraming taon na kaming magkakaibigan. Matibay na yung foundation ng friendship namin. Malalim yung pinagsamahan namin. We grew up together. Magkakakilala pa nga parents namin eh. Kaya kampante ako na kahit hindi na kami madalas magkikita, di mawawala yung friendship namin. Ni isang patak ng luha hindi lumabas sa mata ko nung Grad at kahapon eh. Alam ko namang magkikita pa rin kami eh. Of course may magbabago pero normal na yun eh. It’s part of growing up.
I guess kaya light lang yung feeling ng goodbyes namin is because of ^these things. I understand na iba talaga yung feeling kapag hindi mo na sila kasama araw-araw. Pero may FB naman eh. Napakadali makipagcommunicate dahil sa technology ngayon. Ang dali maging updated sa mga buhay-buhay namin. Kaya there’s no reason para magpaka-emo ako dito. =))

















